Bachelor of Art in Multi-Media Arts
Kanina pa kong nakatunganga dito sa laptop. Naghahanap kasi ako ng magandang course na parang related o may padaplis na din sa archi. Ayuuun, dahil nga pinayagan na ko ng tatay ko na magshift, nanghahalikwat na ko ngayon sa site ng lasal. At eto nga, after 1765653287654 years… Nakapagdecide na ko! Hahaha.

Eto na nga, BACHELOR OF ART IN MULTI-MEDIA ARTS. Wushuuu. Tiningnan ko din yung prospectus, at magugustuhan ko ang mga subjects nito. Whahaha :”“> Pwede kong yumaman dito. BUAHAHAHA! :) Ang kelangan na lang e yung TOR ko saka Honorable Dismissal dun sa skul ko dati (BSU) Haay, yan. Ready-ng Ready na! Sana talaga e matuloy. Pray. Pray. Pray :))
HAPPINESS!
Dad: Anak, itutuloy mo pa ba yang course mo?
Ako: Po?
Dad: Kung gusto mo pa yang psychology?
Ako: Dad, alam nyo naman pong ayaw ko talaga nun e.
Dad: Sge, ano bang gusto mo?
Ako: Archi o graphic designing o multimedia.
Dad: Sge, kung yan ang gusto mo, pwede ka nang pumili ng course na gusto mo.
Ako: Talaga po dad?!
Dad: Oo, sang skul mo naman gusto?
Ako: Hmm. Sa lasal po? Hahaha.
Dad: Haay, sge ikaw ang bahala. Basta kung san ka masaya.
Ako: Thankyou daddy! ^_______________^
_________
Pag ganto naman, waaaa! Ansaya saya! Di na ko magiging psychologist. Hahaha! :D Thankyou Lord at Thank You did kay daddy at mommy :))
Ansarap ng feeling na okay kayo ng pamilya nyo. Mahal ko po kayo nay tay :D :))
Nung sabadong naglayas ako, oo, naglayas ako samin. Kinausap ako ng nanay ko through fb. NagOL ako nun e. Tapos narealize ko naman kung ano talaga ang dapat. Kung gaano nila ko kamahal. May mga anak na kayang tiisin ang mga magulang nila, pero walang magulang ang kayang tumiis sa kanilang mga anak. At yan nga ang nangyari. Kahit na alam ko namang may kasalanan talaga ko at dapat ay pinabayaan na nila ko, hinanap pa din nila ko at humingi ng tawad at nagpatawad. Ang palad ko talaga sa mga magulang ko kasi s kabila ng mga nangyari ay mahal na mahal pa din nila ko. Tanda ko, sabi ng tatay ko, “Ang sakit e, yung kahit sobrang dami mo nang ginawang mga kasalanan, mahal na mahal ka pa din namin.” Sobrang naantig ang puso ko nung sinabi nya yan. Waaaa! Umuwi na din ako nung mga hapon na, nagala muna ako. Tapos paguwi ko kinausap ako ng nanay at tatay ko. Nagconfess ako ng mga kasalanan saka problema ko. Ang sarap ng feeling na wala ka nang tinatagong kahit anong problema sa mga magulang mo. At stempre, of all the people sila lang ang tanging makakatulong sa’yo. At yun nga ang nangyari, sila ang tumutulong sakin. Mahal ko po kayo nay tay :D
Yung bigla na lang papasok sa kwarto yung nanay mo tas sasabihan kang, “magtika tika ka nga sa mga ginawa mo”. Haaay, hanggang ngayon pa ba naman? Nagsisi na ko, ang tagal na nun. Ayoko na T_____T
Puro na lang palpak. Puro na lang mali. Wala nang ginawang tama. Bakit ganito ko? I’m so messed up. Di ko na alam gagawin ko. I want to find myself :/
Gusto kong sumaya. Yung totoong saya.
Oo, ngumingiti ako, tumatawa. Pero deep inside, malungkot ako :( Gusto kong maranasan yung totoong saya, yung walang halong problema. Ang bading ko, naiiyak na naman ako :/
I just need someone to talk to.
Ngayon ko lang ulit naisipang magtumblr, ang hirap kasi sa sitwasyon :/
Katulad nga ng sinabi ko, I just need someone to talk to. Haaaay, para kasing puro na lang problema tong naiisip ko o kaya naman iniisip ko lang pero di naman talaga dapat problemahin. Uuurgh. Ang gulo kasi ng buhay ko, hindi lang magulo, magulong magulo. Ni hindi ko na nga alam kung tama pa ba tong mga desisyong ginagawa ko sa buhay. Ni hindi ko nga alam kung dapat ba o hindi, kung tutuloy ako o hindi. Hindi ko na alam kung paano aayusin tong buhay na to. I’m so messed up. Para ngang walang nakakaintindi o makakaintindi sakin e. Yun kasi ang mahirap, inaangkin ko lang tong isipin na to, bakit? Kasi di ko kayang sabihin sa iba, I don’t have the guts? Ayokong mapahiya? Wala akong tiwala? Hindi ko alam :/ Palagi ko na lang sinosolve to nang mag-isa. Ngayon, naisip ko, kailangan ko ng makakausap, ng taong magpapayo sakin kung ano ba talaga ang dapat kong gawin. I’m praying, I’m talking to Him. Waaaa. Minsan, naiisip ko na lang na magdial ng kung anong number sa phone tapos magkwento nang magkwento sa kabilang linya, umiyak, pwedeng makinig lang naman sya e, di naman nya ko kilala at least nasabi ko yung mga bagay na kinikimkim ko. Kaso naisip ko, why would they bother? Di naman nila ko kilala para pakinggan ako. Waaaaa. Di ko naman kayang sabihin sa magulang ko, we’re not that close, at sa kanila ako may nagawang kasalanan. Why am I such a bad girl. I did something wrong, matagal na naman yun e, it’s been months already. I already prayed and confessed for my sins, di ko kayang sabihin sa kanila kaya nagpapakabait na lang ako, I’m trying to.
Sabi nila nung tinatanong nila ko kung ako ba yung may gaw nun, umamin lang daw ako at patatawarin naman nila ko, wag daw akong matakot. At dahil nga sa sinabi nila yun, umamin na din ako kaso right after that moment na sabi kong “ako po”, nagalit na lang si daddy, yeah yeah, I know malaki yung kasalanan ko at di ko sinabi sa kanila pero sobrang galit sya, sabi nya bakit ako hindi umiiyak at parang okay lang sakin ang ginawa ko. Bakit nga ba hindi ako umiiyak nun? I was holding back my tears, I was praying inside, I wanna say sorry to them kaso I was stucked up in my chair. I wanna kneel down in front of my dad, I wanna hug him and say sorry, but my body won’t move. Naiiyak na ko hanggang sa nagalit na sya that he doesn’t want to see me. Kinausap ako ni mommy T___T Why does it havae to be like this? Sabi nila things would be okay if I confessed, pero things became worst. Umiiyak na ko, then my dad confiscated my cellphone, sabi nya I don’t have the right to have one, I can’t even use the laptop nor the pc and the internet. Haaaay. At that point in time, I felt so, useless, hopeless, I even think na umalis na lang ng bahay. Pumasok ako sa room nina daddy to say sorry kaso sabi nya niloloko ko na naman daw sya, he even thought na may boyfriend na naman ako dahil sa isang text ng kaibigan ko asking how am I and my boyfriend, nagulat ako, I explained everything kaso he won’t listen, I dialed my friend then asked him to tell my mom the truth. Yun kasing sinasabi nyang boyfriend ay matagal na, nawalan kasi kami ng communication ng friend ko na yun, at nun lang araw na yun ulit kami nagkausap kaya he thought kami pa din nung ex boyfriend ko. My mom talked to him then buti na lang, everything’s clear kaso ewan ko lang kay dad. Haaay, I really don’t know what to do. Bakit ganito, kahit matagal na yung kasalanan kong yun, ganito pa din ang nangyari, I was making up to them, I am! Then suddenly, naging ganito. I really don’t know what to do.
Up until now, I’m thinking na umalis na lang samin. I know, I know na this is not a good idea. Mahal ko ang mga magulang ko at I don’t want to regret anything in the end. Kaso, hindi ko alam kung pano pa magiging okay. I think, they hate me.
What to do? What to do? Lord, help me.